yung insomnia attacks ko stress-related. di kaya yung di ko pagkakatulog ay sanhi ng araw-araw na pressure para magpost? been doing this for one week. ayun 22 days to go. keri naman pala. 22 days pa kong magkakaganito.
minsan sabi sa kin nung kaibigan ko, mukha kang labtim. pakialam ka ng pakialam ng lablayp ng iba kaya wala kang lablayp. well totoo naman lahat ng sinabi nya. mahilig ako makialam ng lablayp ng iba at wala naman talaga akong lablayp. yan nga laging tinatanong sa kin ng lahat ng mga kamag-anak ko pag magkikita kami, may boyfriend ka na? parang concern nilang lahat yung bagay na yun sa palagay ko nga magpapaparty sila sinabi kong meron. nagsasawa na nga ako sa kakasagot ng wala, sila di pa magsawa sa kakatanong. hindi naman sa ayoko, may mga bagay na ganun lang talaga. gets?
pero yang kaibigan ko na yan, nagkamali sya sa cause and effect. sa paniwala ko kasi if love doesn't work for me, at least i can make it work for others. minsan may fairy-god mother syndrome ako eh. imbento ko lang din yun, simply put pakialamera ako.
kasalukuyan akong may project, kasabwat ng isang officemate na tatawagin nating Meow. ang prospects isang ateng masungit at kuyang sobrang tahimik. minsan namin silang sapilitang napasama lumabas. ayun kumain kami dun sa famous tapsilugan sa SC ng UP Diliman. Si Kuya gusto magkite flying, kaso walang malakas na hangin nung araw na yun. Parang pinagpasalamat nga rin nya yun kasi kinakahiya nya yung kite na may drawing na colorful dracula, as in purple, pink, yellow, courtesy of Meow. Inabala nya pa talaga sarili niya para mabili yun.
Pero parang enjoy naman sina ate at kuya sa mga paglalakad-lakad na ginawa namin saka yung pag-iwan namin sa kanilang dalawa dun sa may art gallery para maghanap ng cr. Binabalak nga namin ni Meow na sundan yung date nila. Para kaming mga high school na nakasubaybay sa favorite naming on-screen loveteam.
Magkaka-officemates kami. Nagsimula kasi ang lahat sa party nung April para celebration ng regularization namin sa office. Ayun, may picture na magkatabi sila. Ang cute lang nila and something clicked. Di man ako magaling sa math, favorite subject ko naman yung chemistry, kaya naman na-apply ko yan sa mga ganitong bagay.
Sige kaunting background kay ate at kuya. Itago na lang natin sila sa pangalang... wala ata akong maisip na pangalan. Sige si ate na lang si Barbie, si kuya si Joshua. Walang pakialamanan. Si Barbie ang impression talaga sa kanya masungit, mataray.Kahapon nga parang gusto nyang magpabotox para daw lagi na lang sya nakasmile at wag na syang commentan ng ganun. sa pagkakaunawa ko isa syang late bloomer sa pag-ibig at sa halos lahat ng bagay bagay. Kung gusto nyong malaman yang kwento ng pag-ibig nya, sya na lang tanungin nyo. Baka masabunutan ako kapag sinabi ko dito.
Si Joshua naman, hanga ako dun eh. Ang galing galing at sobrang sipag sa trabaho. Minsan nga gusto ko nang paabangan sa labas yun eh para di na makapasok. Sige sa ibang post na lang yung mga evil schemes ko ha. Magkakatrabaho kami sa panahong ito. Inulit ko lang kung sakaling di mo nabasa yung nasa taas. 1 year na nga kami dito sa office sa september 20, so far wala pang matinong plano para sa anniversary party, pero sa ibang post na lang din yun.
Anyway, minsang nagyaya si Joshua lumabas uli. Gusto nya puntahan yung Salcedo market. Natuwa naman ako at si Meow kasi siya na yung nagyaya, hindi na kami. kaso lang di naman natuloy kasi naglipat bahay sya. This month medyo uso ata yung mga nakaleave. Matagal na nagleave si Barbie, pagbalik naman nya si Joshua ang nakaleave. Ngayon iniiisipan uli namin ng lakad yung dalawa. Sana wag na masyadong magsungit si Barbie, di naman namin sya pinepressure, suggestion lang. Saka sana dumaldal ng kaunti si Joshua, saka pwede ba syang maging assertive minsan para diretso na yung pagyaya niya kay Barbie at di na dadaan sa min.
so papasa na to as one post di ba? i wonder what red is doing. sana nag-eenjoy sya sa bakasyon
No comments:
Post a Comment