Wednesday, September 7, 2011

30-day challenge day 7

i woke up with a headache. it's just on one side of my head. it's as if my neurons suddenly wanted to overwork themselves and have been firing neurotransmitters to my pain receptors all day. ano daw? basta masakit ulo ko kanina paggising ko. yun lang gusto ko sabihin. at medyo masakit pa rin sya ngayon kahit na uminom na ko ng gamot. kulang kasi ako sa tulog. lately, may problema na naman kami ng pagtulog.

nung high school ko nadiskubre na di kami masyadong magkasundo ng pagtulog. may insomnia ako nun eh. paano ko nalaman? wala lang, ni-diagnose ko yung sarili ko. wag na magulo. eventually, nalaman kong may kinalaman sa stress ang di ko pagkakatulog or ang paggising ko ng sobrang maaga (premature waking)

nung college naman, di ko masyadong problema ang pagtulog kasi normal nang di ako matutulog. sa dami ba naman ng readings, reaction paper, reflection paper, research, book review at iba pa na kailangan kong isulat, walang lugar ang pagtulog. normal nang matulog ng alas 12 at gumising ng alas 3 or alas 4.

sa first job, dun ko nalamang sobrang busy ko pala sa undergrad. kasi nung nagtatrabaho na ko, hinahanap ng katawan ko yung bonggang bonggang homework. dahil wala nang homework, madalas nun nakakatulog na ko pagdating ko ng bahay. pero may mga pagkakataon din nagpaparamdam yung insomnia. kaya ayun nakikipagchat na lang ako sa mga classmates ko.

nung lumipat kami ng bahay feeling ko wala akong matinong tulog ever. nilipatan kasi namin yung bahay namin ngayon na di pa gawa yung mga kwarto, kaya nakadividers lang kami. matagal-tagal rin akong ganun. mga halos isang taon. naging okay lang ako nung maayos na yung kwarto ko. well, hindi pa rin sya maayos ngayon. sige yan ang topic ng day 8.

after 3 yrs, lumayas ako sa dati kong office. nang malipat ako sa capital iq, nanibago ako. unang-una mas malayo sya sa bahay tapos yung schedule ko nung una parang ang haba haba ng araw ko sa office. ang pagtulog, normal naman.

nung january, nagsimula akong pumasok ng graveyard shift. nung una, kala ko katapusan na ng buhay ko. nagsimula na kong kaibiganin uli si Lina. araw araw mag-email sa kin yan eh, wala naman akong mapala. anyway, napatunayan ko, na hindi pala ako hirap matulog kahit araw. sa sobrang pagod ko kasi, makakatulog at makakatulog ako.

pero lately, hirap akong matulog. nung saturday nga expected ko mga 12 hrs akong makakatulog kasi buong maghapon akong gumala-gala after ng shift. this week, pagdating ko ng 8 or 9 am sa bahay, nakakaidlip ako sa panonood ng tv, siguro mga 30 mins, tapos alas 2 na ng hapon gising pa ko. palagay ko factor din dito yung kapitbahay naming talagang sa tanghaling tapat magvideoke. pero palagay ko stress rin to eh. kailangan ko lang siguro ng bakasyon. hay, tagal pa yung long weekend ko eh.

No comments:

Post a Comment