Tuesday, September 6, 2011

30-day challenge Day 6

Pet peeves. Minsan nakwento sa kin ng kapatid ko, may pinafi-fill out daw na form from the guidance counselor's office. May nakalagay sa form name, address, hobbies tapos sa dulo pet peeves. Sabi daw ng adviser niya sa English nung high school, ang pet peeve ay ang gusto mong alagaang hayop. Eh dahil madali silang maniwala, karamihan sa kanila 12 yrs old, eh di isinulat naman nila aso, pusa, isda piranha, tigre. Pinabalik daw yung forms sa kanila at parang naguidance si ma'am.

Wala lang sinusubukan ko lang magpatawa. True story naman yang nasa taas. Day 6, ayan nalampasan ko na yung expectation ko sa sarili ko. Teka, pat on the back ko lang yung sarili ko for doing a good job. Haha grabe naman ung independence ko no.

Pag tinatanong ako kung ano yung pet peeve ko wala akong maisagot agad. Siguro dahil masyadong madami akong ayaw kaya naman di ko alam kung ano ang uunahin. Maarte ako eh. So medyo nag-isip isip muna ako. Nagtype, binasa ang naitype, tapos binura at nagsimula uli.


Tapos naisip ko one thing that annoys me ay yung isang barkadang ang iingay sa public transportation na parang nabili nila yung jeep, yung bus o yung mrt. Nakakaloka. Minsan may nakasabay akong mga ganyan, sa MRT. Malamang alam ng lahat kung gaano kasiksikan yung MRT di ba. Sabay sabay silang sasakay, mga edad 15-17. Magkakatabi tapos mag-uusap, magtatawanan ng sobrang lakas, maghaharutan nang parang walang ibang tao. May isang ale dun na sumisigaw dahil mapapapagsarhan sya ng pinto, aba yung mga bata nakisigaw din. Kala ata lahat joke. Imbyerna ako sa mga ganun. Sabi ko could you kids keep it down, nakataas kilay ko na nun, kaso di naman ata nila narinig kasi di naman ako sumigaw at ang iingay nga kasi nila .


Isa ko pang kinakainis yung nakikipag-usap sa telepono sa public transportation pa rin. Ayon sa mga nabasa ko, meron naman daw scientific explanation yung ganung klaseng inis. Kasi daw isang side lang ng usapan ang naririnig mo, eh kung natural kang tsismosa, malamang gusto mo din malaman yung sagot ng nasa kabila. Bahala yung ayaw maniwala.


Number three pet peeve ay yung mga kotse lumiliko nang di sumisignal. Basta nakakairita lang. Yung tipong patawid ka, tapos akala mo diretso si kuya yun pala paliko. Talagang namemewang ako sa mga ganung pagkakataon, may kasama pang buntong hininga.



Number four, irita ako sa mga nagyoyosi sa kalsada habang naglalakad. Kung makabuga parang gusto nya lang tanggalan ng karapatan ung ibang tao sa fresh air.


Number five, yung ayaw kang paunahin sa paglalakad, pero ang bagal naman nya. Ung wala kang choice kasi kung di sya tatabi dun ka lang talaga sa likod nya. That only proves kung gaano ako kainipin.


At trivia lang sa pagsusulat ko nitong post na to, nalaman kong merong getannoyed.com at petpeeves.com. Ano kayang ginagawa ng mga moderator nun? Ang daming alam. Kakainis.

No comments:

Post a Comment