Sunday, September 4, 2011

30-day challenge day 4

First Love. Eh kung binasa nyo ang day 1, malamang alam mong NBSB ako. Pero love naman ang pinag-uusapan di naman relationship.

I thought I had my first love at 15. Pero it turned out that was just a teenage thing. Ang drama drama ko pa nun. Unrequited love chever chever. Close kasi kami nun eh, groupmates sa mga project tapos commander ko pa sya sa CAT. Tapos natuwa akong makagraduate kasi di ko na kaya makita sya. Parang I can now forget about you blah blah. I even wrote a novelette about it, which I lost the copy. Matagal na din akong di nagpapakita sa taong un, mga 2 years. Eh kasi pinagtataguan ko. Baliktad na mundo, sya na ang humahabol (haba ng hair ko. eh sya naman may sabi nun) The thing is, the cute high school boys don't always grow up to be the most desirable men.

Pero yung first love ko talaga, 20 years old ako. Yung sinasabi nilang spark, in hindsight, I had that when I met him. Ang corny pero totoo. There's a moment in your life when you meet someone and you know that, that someone would make a difference. Una, wala kaming ginawa kundi mag-asaran, eh KSP ata talaga sya nun eh. Barahan lang, sagutan sa email (wala ym sa citibank). We grew close hanggang sa kahit wala na kami sa office, usapan pa rin sa text, sa personal ym. We started talking about personal problems, family, ganyan. Tapos lumalabas labas kami ng kami lang dalawa. Kung ikukwento ko lahat, baka day 30 na di pa tapos.

We were never actually together. Eh kasi para sa kin di sya nanligaw kasi wala naman syang sinabi that he likes me or something. He's not touchy either. Paborito nya lang kurutin yung ilong ko. I don't remember most details kung paano natapos ang lahat, pero basta I just assumed he changed his mind about me. So ayun, I stopped talking to him. Recently lang naman akong pumapayag sumama sya sa mga lakad with our common friends. Pero kahit ganun ramdam ko may friction, eh kasi di ako kinakausap. Pag kakausapin ko naman parang di ako matignan.

Minsan ko syang nasabihang, "Sorry, I'm not my best self around you." Di ba ang drama drama ko lang eh kasi naman magyayaya lumabas sasama nya pa yung babaeng ka-close nya na natsismis na niligawan nya pero may boyfriend at present. Friend ko naman si girl, pero feeling ko, ano ako dito chaperone? Di ko nga sila kinausap hanggang uwian. Nagalit sa kin si guy, parang tanga daw ako. Kaya ayun sinabi ko sa kanya ang linyang yun. Naguilty naman ako sa kagagahan ko, kasi ang rude nga naman ng dating ko. Ginusto ko bumawi, kaso ayaw. Di wag kaya pinalampas ko na lang.

Well, di ko naman sya madalas maalala. Masyado akong madaming edit para isipin sya (masipag kunwari) pero pag naaalala ko sya, may dramahan talagang nagaganap. How could you forget a guy na halos kidnapin ka to watch fireworks kasi naisipan nya lang? o yung binigyan ka ng stuffed toy na aso having decided against a real one dahil sabi mo pag namatay, iiyak ka lang? o yung anim na madaling araw mong nakasama sa simbang gabi?

So ayun, kelan kaya dadating yung second love?

No comments:

Post a Comment