Today is Day 5,and I can't believe I am still doing this. What's up for today? Write about a song that inspires me. Eh di nga ako mahilig sa music di ba? So dahil non-conformist naman ako minsan, I will write about something else today. Kapag trip ko ng music, saka ako magsusulat about a song that inspires me.
Sabi ko nga sa una kong post, my childhood dream is to become a doctor. At ayun nga, di ko nga keri yun kasi sobrang madiriin ako. So malamang di ko kayang kumatay-- sorry, mag-disect ng palaka, pusa at tao. I gave it up around high school ata. After giving up on that dream, kahit minsan di ko na naisip that I would ever have a chance to work at the hospital setting. Nung college, Behavioral Sciences yung course ko. Bakit? Eh kasi before we took the UPCAT, sabi sa 'min write ANY non-quota course, so just you could get into the university, since yung first year daw panay GE naman so di naman masasayang if you are going to shift. I wrote that kasi medyo interesado ako nun sa Psychology, yung mga personality tests. Mababaw lang actually yung pagkakaintindi ko sa course eh. Second choice ko Organizational Communication. Wala lang, may communication kasing nakalagay eh feeling ko nun, madaldal ako ng sobra at gusto kong mahasa yung mga communication skills ko.
Pero gusto ko talaga at that time Accounting. Labo no, sabi ko ayoko na Math, pero enjoy ko kasi yung Accounting subject namin nung high school. So sabi ko parang masaya sya. Wala naman sine/cosine, tangent, atbp dun sa subject namin, debit/credit lang, t-account, mga ganyan. Sinulat ko naman din yun sa application ko sa second choice campus , first choice program.
Nung first year, binagsak ko yung Math 11 ko. Algebra yun eh. Sumasali pa nga ako sa peer review nun para lang makapasa ako. Kaso sadyang di ako magaling sa paghahanap nung mga nawawalang value ng x, y, z. Saka di ko magrasp kung anong sense nung mga fraction na fraction ang numerator at denominator. At pre-requisite lang naman sya ng higher Math subjects na kailangan ko itake para makashift ako. So ayun di na ko nag-shift. Okay na rin naman, napatunayan ko lang di na talaga ako magaling sa numero so wag ko na nga pahirapan yung sarili ko. I stayed sa Beh Sci. Nadiscuss naman namin yung mga personality tests na gusto ko dati at marami pang iba.
Since UP Manila ako, exposed kami sa PGH sa simula pa lang. Nung una, daanan lang namin sya papunta sa ibang colleges, pag papasok sa P.E. o kaya pupunta sa University Library. Yung college ko, yung CAS, kami lang yung kaisa-isang hindi "white college" sa Manila. Yung Allied Medical Professions, Nursing, Pharmacy, Public Health, Medicine lahat sila naka-uniform ng puti. Marami sa classmates ko pre-med nila yung undergrad. So eventually, they are going to wear white.
At that time, di ko alam yung gusto ko gawin sa buhay ko eh. During our orientation and halos lahat ng professors namin during my stay sa program sinabi na maganda yung course. You can go anywhere, pwedeng HR, pwedeng research, pre-med, pre-law, clinical, academe. Eh nakakaoverwhelm naman, daming choices parang buffet. At that time sabi ko sa sarili ko, basta itutuloy ko na nga lang. Saka na ko mag-iisip kung ano gagawin ko sa buhay ko.
Nasabi ko kanina na nakapagtrabaho ako sa hospital setting di ba? If you are thinking na tinuloy ko yung pangarap kong maging doktor, eh pakibatukan ang mga sarili nyo. Eh sinabi ko ngang hindi, di ba??? Well, yung trabaho ko sa ospital, internship yun.
During our third year, basta na lang kaming hinati sa tatlong grupo. Tapos inassign sa min yung magiging practicum/ojt namin. Clinical, HR at NGO/Research. Di ko alam kung bakit ako napalagay sa Clinical setting. Di naman siguro grades ang basehan, kasi yung mga sobrang tataas ng grades in preparation for UP College of Med, napunta naman sa iba-ibang setting. Siguro totoo yung tsismis na may roleta dun sa department.
Di madali ang makapasok na intern sa UP-PGH. UP students lang kadalasan ang tinatanggap. Inassign kami sa Department of Rehab Med. Di yun para sa mga adik ha. Rehabilitation Medicine, para sa mga na-stroke, naaksidente at mga children with special needs at persons with disability. Kasama namin dun yung mga Occupational Therapists, Speech Therapists, at Physical Therapists.
Bago kami magsimula ng training namin dun, may written exam at interview pa. For formality lang naman daw. Yung clinical supervisor kasi namin dun, alumna ng course namin. So pasalamat daw kami, dahil yung mga dating intern daw dun naka-assign sa infamous Ward 7. Anong andun? Dun yung department of mental health. Tuwing umaga, may nakatambay sa bintana ng ward nila tapos kumakanta ng Lupang Hinirang, tapos normal lang yung may nagsisisigaw at nagwawala sa loob. .
Very strict yung CS namin, si Ma'am Elaine. Tama lang naman, kasi natuto talaga kami. At hanga talaga ako sa galing nya. So isang summer kami dun, and we need to complete 100 hrs ata or more. Di ko na masyado matandaan. Particular si Ma'am Elaine sa attendance, at para walang dayaan, binigyan kaming lahat ng time card. Natuwa ako dun eh. Very old school. As in pagdating mo sa ospital, punta kang bundy clock, dun ang time in. Sa pagkakaalam naming lahat, dadalawa lang ang bundy clock sa buong PGH. Isa sa central block, isa sa OPD. So ikaw bahala kung san mo gusto, pareho naman silang malayo. Required din ang uniform na kulay puti. Dun mo mararamdaman na kapag nakaputi kang palakad-lakad sa PGH, iba ang dating mo sa mga tao. Madalas kang mapagtanungan kung san po ba yung pharmacy, yung ward ganito, yung MSS. Parang tingin nila sa yo isa kang naglalakad na GPS.
Yung first two weeks ko sa internship, nagrarounds ako sa inpatient. Well, medyo boring sya eh. Araw-araw mo silang pupuntahan, kukumustahin, magpapagawa ka ng activity at tapos susulat ka ng report. May tatlo akong pasyente nun. Si Ate Weng, na may spinal injury; si Manong Soldier na nakalimutan ko na yung pangalan, Korean war veteran, spinal injury din sya; at si Kuya Masungit (nalimutan ko na din ang pangalan) na merong rheumatic heart disease. Yun ang gagawin ko sa morning. Saglit lang naman ang rounds mga 15-20 mins lang per patient.
Ang gawain naman ng psychologist sa rounds, di naman gaya ng sa doktor or nurse. Di naman kami trained to get the patient's BP or temperature or magpainom ng gamot. What we do is we talk with the patient. Kung ano ang nararamdaman nya sa kasalukyan nyang sitwasyon, kung ano ang mga namimiss nya habang nasa ospital, mga plano nya sa paglabas nya. Madalas kwentuhan lang ang ginagawa sa rounds, pero minsan may games din akong naiisip. Pag Wednesday nun may group therapy ung buong ward. Lahat ng interns iisip ng gimik, ng laro. Kailangan susulat ka pa nyan ng proposal, kailangan may objectives.
Challenge si Kuya Masungit, dahil araw-araw na lang tuwing pupuntahan ko lagi syang galit. Parang ang reaksyon nya sa kin, andito ka na naman, dami dami mong tanong. Isa pang challenge dahil si Kuya sa ward 1 nakaconfine. Di ko maalala kung ano ang ward 1 pero pag papasok ako dun halos masuka ako sa amoy ng gamot. Smells like death in there, seryoso. Eh di naman ako nagsusuot ng mask dahil baka mas masungitan nya ko. Sabihin pa nya nandidiri ako eh hindi naman nakakahawa yung sakit nya. Ayun bago matapos ang internship ko, sumalangit nawa na si kuya. Pagdating ko na lang isang araw, sabi ng nurse, expired na daw yung patient sa bed 1. Expired, ibig sabihin namatay na.
Yun ang gawain namin sa morning. Sa hapon naman magsusulat kami ng reports na isasubmit the next day at ilalagay sa chart na patient. Minsan naman nag-aassist kami sa SpEd classes. May summer lessons dun yung SpEd kids. Generally, di ako mahilig sa bata. Ayoko ng maingay at ng magugulo at pasaway. Pero sa mga panahong ito, natuwa ako sa kanila. Nakakatuwa silang subaybayan araw-araw. Bago magsimula ang klase with their SpEd teachers, kakanta kami ng circle time. Importante sa mga kids with special needs ang routine. Dapat kung ano yung ginagawa nila ganun ng ganun araw araw. We are trying to start a habit, parang ganun.
Madaming cute na bata pala dun. Si RR, si Joana, si Anton, si Raine, si Jao, si Pat. Bawat intern may kanya kanyang favorite na bata. Iba-iba sila ng cases. Merong may hearing impairment, mental retardation, autism, ADHD. Dun ko nakita yung mga bagay na nababasa ko lang sa libro.
Nung nagrotation na, dun naman ako sa outpatient.Basically, pupunta ang patient sa ospital for assessment at therapy. Assessment, ibig sabihin gagawan namin sila ng psychological report. Ang isang psychological report ay naglalaman ng case history, behavioral observation, test results at recommendations. Yung patient history, kinukuha yan sa nanay/tatay/guardian sa pamamagitan ng interview. Tatanong mo lang yung buong pangalan, birthday, pangalan ng magulang, mga naging sakit, kung na-ospital, observation ng magulang na nagtulak sa kanilang dalhin yung bata sa ospital.
Habang ginagawa mo yung interview sa parent, aaliwin mo yung bata, hindi talent show level ha. Ang ginagawa ko bibigyan ko sya ng papel, lapis, crayons tapos pasusulatin ko halimbawa ng pangalan, tatanungin ko kung asan yung ganito at ganyang kulay. Kunwari, ganun ganun lang yun pero ang totoo, binibigay ko na sa bata ang una nyang test. VABS (Vineland Adaptive Behavior Scale) ang gamit dun. Yun ay pangmeasure ng kakayahan ng isang bata sa ADT (activities of daily living) halimbawa ang isang batang 7 years old ay kaya nang gumamit ng gunting. Kadalasan ginagamit to determine mental retardation tong test na to. Actually, isa syang checklist. Tapos may score kung gaano kadami ang nakacheck.
Usually, binibigyan din sila ng IQ test, depende sa edad nung bata. Yung isang test na ginagamit namin yung WISC-R (Weschler Intelligence Scale for Children- Revised Edition). Yung isa di ko na matandaan. Ayun K-ABC (Kaufman Assessment Battery for Children) pala. Ang problema nga lang sa mga iq test na yan, may parts na culture bias sila. Pero masaya silang iadminister. May isang part dun na pabubuuuin mo ng puzzle yung mga bata tapos may time limit. Merong mga magagaling na bata, mabilis lang nila masolve. Meron naman ang tagal-tagal nauubusan ka na ng pasensya. Meron namang paulit-ulit ka dapat ng instructions.
Yung behavioral observation, dito mo sasabihin yung mga nakita mo sa bata during your session. Halimbawa, lacks eye contact, has difficulty sitting still, does not follow instructions. Minsan mahaba ang behavioral observation. May mga masaya kasing pangyayari kagaya ng magtatatakbo yung bata sa testing room o kaya naman iiyak sya at magsisigaw o kaya babato nya sa yo yung mga lapis na inabot mo sa kanya. Parang tinetest ka din, test ng patience at creativity mo. One more thing I learned, positive reinforcement. Ang pagbibigay sa bata ng compliment o simpleng pagsasabi ng good job ay nakakabuti para matandaan nila yung mga behavior na dapat nilang ginagawa. It doesn't just apply to kids with special needs, maski sa mga regular na bata.
Sa bahaging recommendations, kailangan creative ka. Halimbawa yung bata ay may speech delay, ang marerecommend mo para sa kanya, turuan sya ng nanay nya ng songs o kaya kausapin nya habang gumagawa sya ng gawaing bahay. For example, magwawalis ng bahay, sasabihin ni mommy sa anak nya kung ano ang tawag sa walis, tapos ipapaulit nya or kung magluluto sasabihin nya yung mga ingredients. Mga simpleng bagay na pwede nilang gawin sa bahay. Malaki talaga yung role ng parents at mga kasama sa bahay sa isang child with special needs.
Madugo isulat ang mga reports.Nung una bumabalik sa min ng panay red marks. Dapat daw kasi yung gagamitin mong mga salita yung madali lang maintindihan. Wag yung masyadong technical, dahil syempre mga nanay kadalasan yung babasa at hindi naman lahat sila mataas ang napag-aralan. Pero ewan ko din kung bakit English pinapasulat sa min. Una, isusulat kamay ko muna ang draft ng reports tapos itatype ko pag-uwi. Eh habang tinatype ko, ineedit ko pa, kaya inuumaga na ko sa kakagawa ng reports. Ang trabaho ng intern ay hindi natatapos sa uwian. Dito ako nakaexperience na basta basta na lang ako nakakatulog sa byahe. Kadalasan 4-5 hrs lang ang tulog ko nun.
So ayun ang internship. Gusto ko sanang maging career na ang pagiging clinician pero nagbago isip ko. Enough na rin naman na nakapag-white uniform ako minsan, masubukan man lang. And that's it for today's post. Tignan natin kung ano isusulat ko bukas.
No comments:
Post a Comment