Sunday, September 4, 2011

30-day challenge day 3

I skipped 2 days. Hehehehe. I'm not really good at things that you're supposed to do everyday. Di ko ngang magawang magconditioner araw araw. Tagalugin na nga to. Dumudugo na ilong ko eh. Hahaha (saka na nga lang makwento kung bakit English ako magsulat)

So nicknames daw.

RJ talaga ako sa bahay, sa mga pinsan, sa mga kababata, mga kamag-anak. Eh kasi initials yun ng pangalan ko. Rowan Joselle. Kaso when our bunso was younger,di nya mapronounce, wala syang letter R he could only say Adeyl. So yung mga unggoy kong kapatid ginagaya or ginagawan ng variation plus the fact na mahilig sila magbaby talk sa bahay.

During elementary, they call me Joselle, second name which I hate. Eh kasi pag sinabi ng teacher Row 1, ako lang mag-isa nagrerecite. Kesa naman everytime tatanong namin kung kaming lahat ba o ako lang, so ayun Joselle na lang daw. Eh di sige.

During high school it's Rowan. Yung classmates ko tamad, Row lang or Rows. Until college, I still introduce myself as such. One friend call me Wan. Sya lang naman. Sya ang pinakaclose ko for 4 yrs.

Sa first job ko, nauso si Marimar. One officemate, si Paoster, started calling me that eh kasi daw kulot ako. Lahat na gumaya. Yung isa naman tawag sa kin Curly Tops. One guy tawag sa kin for a while Joyce, kamukha ko daw si Joyce Jimenez (siya may sabi nyan). Pero mas madami pa rin silang tawag sa kin Rowan, Roe, Rowie.

Sa CIQ, still pretty much Rowan. Pero may isang mabait kung anu-ano lang maisipang itawag. Who/what the hell is Gundina?




No comments:

Post a Comment