Wednesday, September 7, 2011

30-day challenge day 7

i woke up with a headache. it's just on one side of my head. it's as if my neurons suddenly wanted to overwork themselves and have been firing neurotransmitters to my pain receptors all day. ano daw? basta masakit ulo ko kanina paggising ko. yun lang gusto ko sabihin. at medyo masakit pa rin sya ngayon kahit na uminom na ko ng gamot. kulang kasi ako sa tulog. lately, may problema na naman kami ng pagtulog.

nung high school ko nadiskubre na di kami masyadong magkasundo ng pagtulog. may insomnia ako nun eh. paano ko nalaman? wala lang, ni-diagnose ko yung sarili ko. wag na magulo. eventually, nalaman kong may kinalaman sa stress ang di ko pagkakatulog or ang paggising ko ng sobrang maaga (premature waking)

nung college naman, di ko masyadong problema ang pagtulog kasi normal nang di ako matutulog. sa dami ba naman ng readings, reaction paper, reflection paper, research, book review at iba pa na kailangan kong isulat, walang lugar ang pagtulog. normal nang matulog ng alas 12 at gumising ng alas 3 or alas 4.

sa first job, dun ko nalamang sobrang busy ko pala sa undergrad. kasi nung nagtatrabaho na ko, hinahanap ng katawan ko yung bonggang bonggang homework. dahil wala nang homework, madalas nun nakakatulog na ko pagdating ko ng bahay. pero may mga pagkakataon din nagpaparamdam yung insomnia. kaya ayun nakikipagchat na lang ako sa mga classmates ko.

nung lumipat kami ng bahay feeling ko wala akong matinong tulog ever. nilipatan kasi namin yung bahay namin ngayon na di pa gawa yung mga kwarto, kaya nakadividers lang kami. matagal-tagal rin akong ganun. mga halos isang taon. naging okay lang ako nung maayos na yung kwarto ko. well, hindi pa rin sya maayos ngayon. sige yan ang topic ng day 8.

after 3 yrs, lumayas ako sa dati kong office. nang malipat ako sa capital iq, nanibago ako. unang-una mas malayo sya sa bahay tapos yung schedule ko nung una parang ang haba haba ng araw ko sa office. ang pagtulog, normal naman.

nung january, nagsimula akong pumasok ng graveyard shift. nung una, kala ko katapusan na ng buhay ko. nagsimula na kong kaibiganin uli si Lina. araw araw mag-email sa kin yan eh, wala naman akong mapala. anyway, napatunayan ko, na hindi pala ako hirap matulog kahit araw. sa sobrang pagod ko kasi, makakatulog at makakatulog ako.

pero lately, hirap akong matulog. nung saturday nga expected ko mga 12 hrs akong makakatulog kasi buong maghapon akong gumala-gala after ng shift. this week, pagdating ko ng 8 or 9 am sa bahay, nakakaidlip ako sa panonood ng tv, siguro mga 30 mins, tapos alas 2 na ng hapon gising pa ko. palagay ko factor din dito yung kapitbahay naming talagang sa tanghaling tapat magvideoke. pero palagay ko stress rin to eh. kailangan ko lang siguro ng bakasyon. hay, tagal pa yung long weekend ko eh.

Tuesday, September 6, 2011

30-day challenge Day 6

Pet peeves. Minsan nakwento sa kin ng kapatid ko, may pinafi-fill out daw na form from the guidance counselor's office. May nakalagay sa form name, address, hobbies tapos sa dulo pet peeves. Sabi daw ng adviser niya sa English nung high school, ang pet peeve ay ang gusto mong alagaang hayop. Eh dahil madali silang maniwala, karamihan sa kanila 12 yrs old, eh di isinulat naman nila aso, pusa, isda piranha, tigre. Pinabalik daw yung forms sa kanila at parang naguidance si ma'am.

Wala lang sinusubukan ko lang magpatawa. True story naman yang nasa taas. Day 6, ayan nalampasan ko na yung expectation ko sa sarili ko. Teka, pat on the back ko lang yung sarili ko for doing a good job. Haha grabe naman ung independence ko no.

Pag tinatanong ako kung ano yung pet peeve ko wala akong maisagot agad. Siguro dahil masyadong madami akong ayaw kaya naman di ko alam kung ano ang uunahin. Maarte ako eh. So medyo nag-isip isip muna ako. Nagtype, binasa ang naitype, tapos binura at nagsimula uli.


Tapos naisip ko one thing that annoys me ay yung isang barkadang ang iingay sa public transportation na parang nabili nila yung jeep, yung bus o yung mrt. Nakakaloka. Minsan may nakasabay akong mga ganyan, sa MRT. Malamang alam ng lahat kung gaano kasiksikan yung MRT di ba. Sabay sabay silang sasakay, mga edad 15-17. Magkakatabi tapos mag-uusap, magtatawanan ng sobrang lakas, maghaharutan nang parang walang ibang tao. May isang ale dun na sumisigaw dahil mapapapagsarhan sya ng pinto, aba yung mga bata nakisigaw din. Kala ata lahat joke. Imbyerna ako sa mga ganun. Sabi ko could you kids keep it down, nakataas kilay ko na nun, kaso di naman ata nila narinig kasi di naman ako sumigaw at ang iingay nga kasi nila .


Isa ko pang kinakainis yung nakikipag-usap sa telepono sa public transportation pa rin. Ayon sa mga nabasa ko, meron naman daw scientific explanation yung ganung klaseng inis. Kasi daw isang side lang ng usapan ang naririnig mo, eh kung natural kang tsismosa, malamang gusto mo din malaman yung sagot ng nasa kabila. Bahala yung ayaw maniwala.


Number three pet peeve ay yung mga kotse lumiliko nang di sumisignal. Basta nakakairita lang. Yung tipong patawid ka, tapos akala mo diretso si kuya yun pala paliko. Talagang namemewang ako sa mga ganung pagkakataon, may kasama pang buntong hininga.



Number four, irita ako sa mga nagyoyosi sa kalsada habang naglalakad. Kung makabuga parang gusto nya lang tanggalan ng karapatan ung ibang tao sa fresh air.


Number five, yung ayaw kang paunahin sa paglalakad, pero ang bagal naman nya. Ung wala kang choice kasi kung di sya tatabi dun ka lang talaga sa likod nya. That only proves kung gaano ako kainipin.


At trivia lang sa pagsusulat ko nitong post na to, nalaman kong merong getannoyed.com at petpeeves.com. Ano kayang ginagawa ng mga moderator nun? Ang daming alam. Kakainis.

Monday, September 5, 2011

30-day challenge day 5

Today is Day 5,and I can't believe I am still doing this. What's up for today? Write about a song that inspires me. Eh di nga ako mahilig sa music di ba? So dahil non-conformist naman ako minsan, I will write about something else today. Kapag trip ko ng music, saka ako magsusulat about a song that inspires me.




Sabi ko nga sa una kong post, my childhood dream is to become a doctor. At ayun nga, di ko nga keri yun kasi sobrang madiriin ako. So malamang di ko kayang kumatay-- sorry, mag-disect ng palaka, pusa at tao. I gave it up around high school ata. After giving up on that dream, kahit minsan di ko na naisip that I would ever have a chance to work at the hospital setting. Nung college, Behavioral Sciences yung course ko. Bakit? Eh kasi before we took the UPCAT, sabi sa 'min write ANY non-quota course, so just you could get into the university, since yung first year daw panay GE naman so di naman masasayang if you are going to shift. I wrote that kasi medyo interesado ako nun sa Psychology, yung mga personality tests. Mababaw lang actually yung pagkakaintindi ko sa course eh. Second choice ko Organizational Communication. Wala lang, may communication kasing nakalagay eh feeling ko nun, madaldal ako ng sobra at gusto kong mahasa yung mga communication skills ko.




Pero gusto ko talaga at that time Accounting. Labo no, sabi ko ayoko na Math, pero enjoy ko kasi yung Accounting subject namin nung high school. So sabi ko parang masaya sya. Wala naman sine/cosine, tangent, atbp dun sa subject namin, debit/credit lang, t-account, mga ganyan. Sinulat ko naman din yun sa application ko sa second choice campus , first choice program.




Nung first year, binagsak ko yung Math 11 ko. Algebra yun eh. Sumasali pa nga ako sa peer review nun para lang makapasa ako. Kaso sadyang di ako magaling sa paghahanap nung mga nawawalang value ng x, y, z. Saka di ko magrasp kung anong sense nung mga fraction na fraction ang numerator at denominator. At pre-requisite lang naman sya ng higher Math subjects na kailangan ko itake para makashift ako. So ayun di na ko nag-shift. Okay na rin naman, napatunayan ko lang di na talaga ako magaling sa numero so wag ko na nga pahirapan yung sarili ko. I stayed sa Beh Sci. Nadiscuss naman namin yung mga personality tests na gusto ko dati at marami pang iba.




Since UP Manila ako, exposed kami sa PGH sa simula pa lang. Nung una, daanan lang namin sya papunta sa ibang colleges, pag papasok sa P.E. o kaya pupunta sa University Library. Yung college ko, yung CAS, kami lang yung kaisa-isang hindi "white college" sa Manila. Yung Allied Medical Professions, Nursing, Pharmacy, Public Health, Medicine lahat sila naka-uniform ng puti. Marami sa classmates ko pre-med nila yung undergrad. So eventually, they are going to wear white.




At that time, di ko alam yung gusto ko gawin sa buhay ko eh. During our orientation and halos lahat ng professors namin during my stay sa program sinabi na maganda yung course. You can go anywhere, pwedeng HR, pwedeng research, pre-med, pre-law, clinical, academe. Eh nakakaoverwhelm naman, daming choices parang buffet. At that time sabi ko sa sarili ko, basta itutuloy ko na nga lang. Saka na ko mag-iisip kung ano gagawin ko sa buhay ko.




Nasabi ko kanina na nakapagtrabaho ako sa hospital setting di ba? If you are thinking na tinuloy ko yung pangarap kong maging doktor, eh pakibatukan ang mga sarili nyo. Eh sinabi ko ngang hindi, di ba??? Well, yung trabaho ko sa ospital, internship yun.




During our third year, basta na lang kaming hinati sa tatlong grupo. Tapos inassign sa min yung magiging practicum/ojt namin. Clinical, HR at NGO/Research. Di ko alam kung bakit ako napalagay sa Clinical setting. Di naman siguro grades ang basehan, kasi yung mga sobrang tataas ng grades in preparation for UP College of Med, napunta naman sa iba-ibang setting. Siguro totoo yung tsismis na may roleta dun sa department.



Di madali ang makapasok na intern sa UP-PGH. UP students lang kadalasan ang tinatanggap. Inassign kami sa Department of Rehab Med. Di yun para sa mga adik ha. Rehabilitation Medicine, para sa mga na-stroke, naaksidente at mga children with special needs at persons with disability. Kasama namin dun yung mga Occupational Therapists, Speech Therapists, at Physical Therapists.




Bago kami magsimula ng training namin dun, may written exam at interview pa. For formality lang naman daw. Yung clinical supervisor kasi namin dun, alumna ng course namin. So pasalamat daw kami, dahil yung mga dating intern daw dun naka-assign sa infamous Ward 7. Anong andun? Dun yung department of mental health. Tuwing umaga, may nakatambay sa bintana ng ward nila tapos kumakanta ng Lupang Hinirang, tapos normal lang yung may nagsisisigaw at nagwawala sa loob. .




Very strict yung CS namin, si Ma'am Elaine. Tama lang naman, kasi natuto talaga kami. At hanga talaga ako sa galing nya. So isang summer kami dun, and we need to complete 100 hrs ata or more. Di ko na masyado matandaan. Particular si Ma'am Elaine sa attendance, at para walang dayaan, binigyan kaming lahat ng time card. Natuwa ako dun eh. Very old school. As in pagdating mo sa ospital, punta kang bundy clock, dun ang time in. Sa pagkakaalam naming lahat, dadalawa lang ang bundy clock sa buong PGH. Isa sa central block, isa sa OPD. So ikaw bahala kung san mo gusto, pareho naman silang malayo. Required din ang uniform na kulay puti. Dun mo mararamdaman na kapag nakaputi kang palakad-lakad sa PGH, iba ang dating mo sa mga tao. Madalas kang mapagtanungan kung san po ba yung pharmacy, yung ward ganito, yung MSS. Parang tingin nila sa yo isa kang naglalakad na GPS.




Yung first two weeks ko sa internship, nagrarounds ako sa inpatient. Well, medyo boring sya eh. Araw-araw mo silang pupuntahan, kukumustahin, magpapagawa ka ng activity at tapos susulat ka ng report. May tatlo akong pasyente nun. Si Ate Weng, na may spinal injury; si Manong Soldier na nakalimutan ko na yung pangalan, Korean war veteran, spinal injury din sya; at si Kuya Masungit (nalimutan ko na din ang pangalan) na merong rheumatic heart disease. Yun ang gagawin ko sa morning. Saglit lang naman ang rounds mga 15-20 mins lang per patient.




Ang gawain naman ng psychologist sa rounds, di naman gaya ng sa doktor or nurse. Di naman kami trained to get the patient's BP or temperature or magpainom ng gamot. What we do is we talk with the patient. Kung ano ang nararamdaman nya sa kasalukyan nyang sitwasyon, kung ano ang mga namimiss nya habang nasa ospital, mga plano nya sa paglabas nya. Madalas kwentuhan lang ang ginagawa sa rounds, pero minsan may games din akong naiisip. Pag Wednesday nun may group therapy ung buong ward. Lahat ng interns iisip ng gimik, ng laro. Kailangan susulat ka pa nyan ng proposal, kailangan may objectives.




Challenge si Kuya Masungit, dahil araw-araw na lang tuwing pupuntahan ko lagi syang galit. Parang ang reaksyon nya sa kin, andito ka na naman, dami dami mong tanong. Isa pang challenge dahil si Kuya sa ward 1 nakaconfine. Di ko maalala kung ano ang ward 1 pero pag papasok ako dun halos masuka ako sa amoy ng gamot. Smells like death in there, seryoso. Eh di naman ako nagsusuot ng mask dahil baka mas masungitan nya ko. Sabihin pa nya nandidiri ako eh hindi naman nakakahawa yung sakit nya. Ayun bago matapos ang internship ko, sumalangit nawa na si kuya. Pagdating ko na lang isang araw, sabi ng nurse, expired na daw yung patient sa bed 1. Expired, ibig sabihin namatay na.




Yun ang gawain namin sa morning. Sa hapon naman magsusulat kami ng reports na isasubmit the next day at ilalagay sa chart na patient. Minsan naman nag-aassist kami sa SpEd classes. May summer lessons dun yung SpEd kids. Generally, di ako mahilig sa bata. Ayoko ng maingay at ng magugulo at pasaway. Pero sa mga panahong ito, natuwa ako sa kanila. Nakakatuwa silang subaybayan araw-araw. Bago magsimula ang klase with their SpEd teachers, kakanta kami ng circle time. Importante sa mga kids with special needs ang routine. Dapat kung ano yung ginagawa nila ganun ng ganun araw araw. We are trying to start a habit, parang ganun.



Madaming cute na bata pala dun. Si RR, si Joana, si Anton, si Raine, si Jao, si Pat. Bawat intern may kanya kanyang favorite na bata. Iba-iba sila ng cases. Merong may hearing impairment, mental retardation, autism, ADHD. Dun ko nakita yung mga bagay na nababasa ko lang sa libro.




Nung nagrotation na, dun naman ako sa outpatient.Basically, pupunta ang patient sa ospital for assessment at therapy. Assessment, ibig sabihin gagawan namin sila ng psychological report. Ang isang psychological report ay naglalaman ng case history, behavioral observation, test results at recommendations. Yung patient history, kinukuha yan sa nanay/tatay/guardian sa pamamagitan ng interview. Tatanong mo lang yung buong pangalan, birthday, pangalan ng magulang, mga naging sakit, kung na-ospital, observation ng magulang na nagtulak sa kanilang dalhin yung bata sa ospital.




Habang ginagawa mo yung interview sa parent, aaliwin mo yung bata, hindi talent show level ha. Ang ginagawa ko bibigyan ko sya ng papel, lapis, crayons tapos pasusulatin ko halimbawa ng pangalan, tatanungin ko kung asan yung ganito at ganyang kulay. Kunwari, ganun ganun lang yun pero ang totoo, binibigay ko na sa bata ang una nyang test. VABS (Vineland Adaptive Behavior Scale) ang gamit dun. Yun ay pangmeasure ng kakayahan ng isang bata sa ADT (activities of daily living) halimbawa ang isang batang 7 years old ay kaya nang gumamit ng gunting. Kadalasan ginagamit to determine mental retardation tong test na to. Actually, isa syang checklist. Tapos may score kung gaano kadami ang nakacheck.


Usually, binibigyan din sila ng IQ test, depende sa edad nung bata. Yung isang test na ginagamit namin yung WISC-R (Weschler Intelligence Scale for Children- Revised Edition). Yung isa di ko na matandaan. Ayun K-ABC (Kaufman Assessment Battery for Children) pala. Ang problema nga lang sa mga iq test na yan, may parts na culture bias sila. Pero masaya silang iadminister. May isang part dun na pabubuuuin mo ng puzzle yung mga bata tapos may time limit. Merong mga magagaling na bata, mabilis lang nila masolve. Meron naman ang tagal-tagal nauubusan ka na ng pasensya. Meron namang paulit-ulit ka dapat ng instructions.




Yung behavioral observation, dito mo sasabihin yung mga nakita mo sa bata during your session. Halimbawa, lacks eye contact, has difficulty sitting still, does not follow instructions. Minsan mahaba ang behavioral observation. May mga masaya kasing pangyayari kagaya ng magtatatakbo yung bata sa testing room o kaya naman iiyak sya at magsisigaw o kaya babato nya sa yo yung mga lapis na inabot mo sa kanya. Parang tinetest ka din, test ng patience at creativity mo. One more thing I learned, positive reinforcement. Ang pagbibigay sa bata ng compliment o simpleng pagsasabi ng good job ay nakakabuti para matandaan nila yung mga behavior na dapat nilang ginagawa. It doesn't just apply to kids with special needs, maski sa mga regular na bata.




Sa bahaging recommendations, kailangan creative ka. Halimbawa yung bata ay may speech delay, ang marerecommend mo para sa kanya, turuan sya ng nanay nya ng songs o kaya kausapin nya habang gumagawa sya ng gawaing bahay. For example, magwawalis ng bahay, sasabihin ni mommy sa anak nya kung ano ang tawag sa walis, tapos ipapaulit nya or kung magluluto sasabihin nya yung mga ingredients. Mga simpleng bagay na pwede nilang gawin sa bahay. Malaki talaga yung role ng parents at mga kasama sa bahay sa isang child with special needs.




Madugo isulat ang mga reports.Nung una bumabalik sa min ng panay red marks. Dapat daw kasi yung gagamitin mong mga salita yung madali lang maintindihan. Wag yung masyadong technical, dahil syempre mga nanay kadalasan yung babasa at hindi naman lahat sila mataas ang napag-aralan. Pero ewan ko din kung bakit English pinapasulat sa min. Una, isusulat kamay ko muna ang draft ng reports tapos itatype ko pag-uwi. Eh habang tinatype ko, ineedit ko pa, kaya inuumaga na ko sa kakagawa ng reports. Ang trabaho ng intern ay hindi natatapos sa uwian. Dito ako nakaexperience na basta basta na lang ako nakakatulog sa byahe. Kadalasan 4-5 hrs lang ang tulog ko nun.




So ayun ang internship. Gusto ko sanang maging career na ang pagiging clinician pero nagbago isip ko. Enough na rin naman na nakapag-white uniform ako minsan, masubukan man lang. And that's it for today's post. Tignan natin kung ano isusulat ko bukas.

Sunday, September 4, 2011

30-day challenge day 4

First Love. Eh kung binasa nyo ang day 1, malamang alam mong NBSB ako. Pero love naman ang pinag-uusapan di naman relationship.

I thought I had my first love at 15. Pero it turned out that was just a teenage thing. Ang drama drama ko pa nun. Unrequited love chever chever. Close kasi kami nun eh, groupmates sa mga project tapos commander ko pa sya sa CAT. Tapos natuwa akong makagraduate kasi di ko na kaya makita sya. Parang I can now forget about you blah blah. I even wrote a novelette about it, which I lost the copy. Matagal na din akong di nagpapakita sa taong un, mga 2 years. Eh kasi pinagtataguan ko. Baliktad na mundo, sya na ang humahabol (haba ng hair ko. eh sya naman may sabi nun) The thing is, the cute high school boys don't always grow up to be the most desirable men.

Pero yung first love ko talaga, 20 years old ako. Yung sinasabi nilang spark, in hindsight, I had that when I met him. Ang corny pero totoo. There's a moment in your life when you meet someone and you know that, that someone would make a difference. Una, wala kaming ginawa kundi mag-asaran, eh KSP ata talaga sya nun eh. Barahan lang, sagutan sa email (wala ym sa citibank). We grew close hanggang sa kahit wala na kami sa office, usapan pa rin sa text, sa personal ym. We started talking about personal problems, family, ganyan. Tapos lumalabas labas kami ng kami lang dalawa. Kung ikukwento ko lahat, baka day 30 na di pa tapos.

We were never actually together. Eh kasi para sa kin di sya nanligaw kasi wala naman syang sinabi that he likes me or something. He's not touchy either. Paborito nya lang kurutin yung ilong ko. I don't remember most details kung paano natapos ang lahat, pero basta I just assumed he changed his mind about me. So ayun, I stopped talking to him. Recently lang naman akong pumapayag sumama sya sa mga lakad with our common friends. Pero kahit ganun ramdam ko may friction, eh kasi di ako kinakausap. Pag kakausapin ko naman parang di ako matignan.

Minsan ko syang nasabihang, "Sorry, I'm not my best self around you." Di ba ang drama drama ko lang eh kasi naman magyayaya lumabas sasama nya pa yung babaeng ka-close nya na natsismis na niligawan nya pero may boyfriend at present. Friend ko naman si girl, pero feeling ko, ano ako dito chaperone? Di ko nga sila kinausap hanggang uwian. Nagalit sa kin si guy, parang tanga daw ako. Kaya ayun sinabi ko sa kanya ang linyang yun. Naguilty naman ako sa kagagahan ko, kasi ang rude nga naman ng dating ko. Ginusto ko bumawi, kaso ayaw. Di wag kaya pinalampas ko na lang.

Well, di ko naman sya madalas maalala. Masyado akong madaming edit para isipin sya (masipag kunwari) pero pag naaalala ko sya, may dramahan talagang nagaganap. How could you forget a guy na halos kidnapin ka to watch fireworks kasi naisipan nya lang? o yung binigyan ka ng stuffed toy na aso having decided against a real one dahil sabi mo pag namatay, iiyak ka lang? o yung anim na madaling araw mong nakasama sa simbang gabi?

So ayun, kelan kaya dadating yung second love?

30-day challenge day 3

I skipped 2 days. Hehehehe. I'm not really good at things that you're supposed to do everyday. Di ko ngang magawang magconditioner araw araw. Tagalugin na nga to. Dumudugo na ilong ko eh. Hahaha (saka na nga lang makwento kung bakit English ako magsulat)

So nicknames daw.

RJ talaga ako sa bahay, sa mga pinsan, sa mga kababata, mga kamag-anak. Eh kasi initials yun ng pangalan ko. Rowan Joselle. Kaso when our bunso was younger,di nya mapronounce, wala syang letter R he could only say Adeyl. So yung mga unggoy kong kapatid ginagaya or ginagawan ng variation plus the fact na mahilig sila magbaby talk sa bahay.

During elementary, they call me Joselle, second name which I hate. Eh kasi pag sinabi ng teacher Row 1, ako lang mag-isa nagrerecite. Kesa naman everytime tatanong namin kung kaming lahat ba o ako lang, so ayun Joselle na lang daw. Eh di sige.

During high school it's Rowan. Yung classmates ko tamad, Row lang or Rows. Until college, I still introduce myself as such. One friend call me Wan. Sya lang naman. Sya ang pinakaclose ko for 4 yrs.

Sa first job ko, nauso si Marimar. One officemate, si Paoster, started calling me that eh kasi daw kulot ako. Lahat na gumaya. Yung isa naman tawag sa kin Curly Tops. One guy tawag sa kin for a while Joyce, kamukha ko daw si Joyce Jimenez (siya may sabi nyan). Pero mas madami pa rin silang tawag sa kin Rowan, Roe, Rowie.

Sa CIQ, still pretty much Rowan. Pero may isang mabait kung anu-ano lang maisipang itawag. Who/what the hell is Gundina?




Thursday, September 1, 2011

30- day challenge day 1

so how do we start this. there is only one word to describe my attempt at keeping a blog- failure. i have created about 4 or 5 blogs to date. at this point, all of them are either forgotten, never written in or ignored. yet again, here's another attempt. thanks to reginald uy (follow @reduy on Twitter). one suggested topic for each day of the month, let'see if we can get to day 30.

day 1 introduce yourself

Introduce yourself. This sentence, as well as its derivative tell me something about yourself, poses rather a lot of problems for me especially when asked during a job interview because i don't know where to start and i cannot contain how wonderful (chos) i am in a few sentences
born on mar 27, 1987 eldest of four. my parents consider me stubborn and very temperamental. i am quite talkative when among friends but i am actually an introvert.

not let's get to interesting facts about me

1. i love countdowns,checklists, anniversaries (of anything like next week it's 2 years of wearing braces) and odd numbers. on the other hand, i hate long lines, split ends and algebra...calculus, trigonometry, fractions, decimals. okay, i don't like math in general

2. i haven't had softdrinks and chips (chichirya) for a long time (7 yrs). at McDonald's, i only eat sundaes (everything else makes me gag). and i have never tasted anything alcoholic (except green cross, haha). i don't like raisins. i'm crazy for sweets but caffeine gives me headaches (sorry, chocolates)

3. it is very seldom that i listen to music but i enjoy videoke sessions. i used to only like classics (read:mozart bach and others, so geek). it follows that i don't know how to play any musical instruments

4. i read a lot. i collect stephen king books and like to scare myself after reading them. the woman who had two navels by nick joaquin still puzzles me, maybe i need to read it again. i have no intention of reading the harry potter or twilight books.

5. my favorite movies include animated ones like finding nemo and kungfu panda. when i like a particular movie, i watch it more than once.

6. i love taking pictures, mostly of myself. so much for vanity

7. i love pets. over the years, i've had several cats, dogs, hamsters.

8. i keep a spiral notebook where i write ideas and lines that i could probably evolve into a short story for later. i also write poetry every once in a while. i also love reading them. pablo neruda's sonnet XXvii is one of my all-time favorites.

9. i started walking alone at 9-plus months. average babies walk at one year (yabang). one of my first memories is the 1990 earthquake and the sound of my dad's leather shoes on gravel.

10.my childhood dream is to become a doctor. i get toy stethoscopes for christmas instead of barbies.i used to sew clothes for my dolls but i forgot if i ever wanted to be a fashion designer.

11. i never had a boyfriend (for applications please email resumes to...haha)

12. i bake on my spare time. i make mean brownies. but i have never made a decent cheesecake so i need to practice that more.

13. i have never been hospitalized but have had 3 operations due to my third molars, the 3rd one under general anesthesia and performed by a maxillofacial surgeon in PGH outpatient department.

14. i can't swim or drive. my dad once said, "yung bike mo pagsakay mo napatakbo mo agad, di mo na inaral. bakit di ka matutong magmaneho," or something like that

15. last interesting fact that i want to share: this is probably the first and last post that i will ever write for the next 30 days.