pag-usapan natin ang kuko. ang kuko daw ay tulad ng buhok, they are made up of dead cells, kaya di tayo nasasaktan kapag ginugupit sila. natanong mo na ba kung bakit meron tayo kuko? syempre para kumita yung caronia at yung parlor dyan sa tabi. (insert caronia song) chika lang. meron daw pinoprotect na soft tissues yung mga kuko, tapos it enhances the sensitivity of our fingertips. ewan ko kung san ko nga ba nabasa. tapos sabi nung wikipedia ito daw ang basic parts ng kuko:nail plate, nail groove, lunula,eponychium at meron pa nga daw nail matrix. sabi?
so ayun, laging mahaba ang kuko ko. una nga, gaya ng nasabi ko dati, sign of rebellion ito. pinapudpod nga kasi nung high school, pangalawa, have you ever noticed how small my hands are? di ako magtataka kapag may lalapit sa kin ngayon at sasabihing patingin ng kamay mo. kaya ko pinapahaba yung kuko ko para kunwari may extension kahit paano. for me, long nails works for my hand just like a 3 or 4 inch high heeled shoe would work for your height. walang pakialaman, kanyang kanyang opinyon.
nung nagstart akong magpahaba ng kuko, lagi silang nababali. masyado kasi silang malambot nun. later on nung nasanay na silang mahaba, ayan tumibay naman sila. may myth pa nga dati sabi ni cookie, yung classmate ko nung college, mapapatibay daw sila ng bawang at suka at kung anu-ano pa. di ko naman sinubukan. adobo?
usually, hinahayaan ko lang ang kuko ko sa natural nilang kulay. kung ano lang ang itsura nila, bahala sila. pero minsan pag gusto kong maging maarte-- ay mali matagal na pala akong maarte. sige pag ibang level ang arte ko kinukulayan ko sila. siguro dalawa o tatlong beses pa lang ako nakapagpamanicure sa manikurista. maarte kasi ako.given na. baka masugatan nya ko o kung anuman.so madalas ako ang nagkukulay ng kuko ko pero hindi ibig sabihin magaling ako.
yung kapatid ko ay ipinangak para maging kikay. pramis, kung anong arte ko, mga 10x siguro sya. high school pa lang nagmemake up na yun. kung makabili ng damit at accessories, parang may department store tapos di naman nagagamit. tapos ayun, trip niyang mangolekta ng nail polish. as in pati yung mga kulay na ikakasore eyes mo,may neon pink, neon orange, neon green. kulang na nga lang glow in the dark.
eh pakialamera at mahadera akong ate so nakikialam ako ng gamit nya. at pag trip ko, pinapakialam ko yung mga nail polish nya. unfortunately, di ko keri maging second career ang pagiging manikurista. kailangan kasi dun ng kakaibang manual dextrity saka hand and eye coordination. spell?
siguro nga di ako mahilig sa art class nung bata pa ko, kasi hanggang ngayon lagpas lagpas ako maglagay ng nail polish. at isa pa, kapag sa kanang kamay na yung lalagyan ko, wala na para na syang art project ng 6 yrs old. the curse of being right handed. chos.. pero alam nyo ba, i am actually right-brained so dapat left-handed ako? hindi nyo alam? sige wag na, sa ibang araw na lang.
tapos minsan naman kapag nakakatsamba, as in may times na may madaling ipahid na nail polish, maganda naman ang resulta, kaso ang dali naman nyang masira. maghugas lang ako ng kamay, ubos na sila. ewan ko lang kung oa ako maghugas ng kamay or sadyang ayaw lang kumapit ng kulay sa kuko ko.
madami na kong nasubukang kulay pero favorite ko yung french tip sa lahat. bakit? ang ganda nya lang kasi, ang classic, ang linis, ang arte arte. medyo mas madali sya sa kin, kasi di mo lalagyan yung buong kuko. yung dulo lang. kaso nga madali lang din masira. 2 hrs lang ang life span nya sa kin. life span daw? may buhay?
sa ngayon yung kuko ko, colorless nail polish with blue glitters. actually, may stars to eh. kaso nalaglag na sila. falling stars. di ko lang namalayan basta nakita ko, ayun wala na sila. sayang gusto ko pa naman makiuso sa decoration namin sa office. wala kasing masyadong ginagawa kahapon kaya ayun, nakapagkulay na lang ako ng kuko. minsan nga makapagdala na lang din ng straigtening/curling iron, tutal may malapit na saksakan dito sa station ko. tapos minsan mapag-aralan nga ang maglagay ng eyeshadow. dito talaga sa office. parlor ito, ramp-down kasi. ;)
No comments:
Post a Comment