it's been a while but here's my new post
every time someone dies, i always ask myself what if it was me because really it could have been me. death is just around the corner for all of us, kaloka mang isipin yun naman ang totoo.
your death was untimely. sa isang iglap bigla ka na lang kinuha. naisip ko nga, is it true that before someone dies his life flashes back like a motion picture. tapos naisip ko, what were your last thoughts? naalala mo kaya kami?
when i found out, ayun ako mamadaling makapasok sa office. RDOT kasi. ang dami kong natanggap na text. kala ko naman dami atang nagmamahal sa kin tonight. i was expecting a text from my TL saying that rdot will be cancelled. hehehe. yun pala lahat galing sa mga kaklase natin. ray was killed today, sabi. nagulat lang ako. parang gusto kong maiyak, pero dahil wala na kong oras para mag-emote, umalis na ko ng bahay.
habang nasa byahe, iniisip ko yung mga natanggap kong text. trying to grasp the reality in them. wala ka na daw, you that i have known for half my life. shocked lang ako. and then i realized how big of an influence you are to me.
naisip ko din yung huli tayong magkita. last year yun, 23rd birthday ko. eh malay ko ba namang huling beses na yung makikita kitang buhay. ikaw lang yung ininvite ko kahit classmate din natin yung kambal mong si roy, eh kasi naman naiirita ako sa kanya. ano bang part ng ayoko sa kanya ang di nya magets? ayun tuloy lahat ng high school reunion di ako maka-attend dahil nahaharass ako sa kanya. buti pa ikaw, isang taas lang ng kilay ko natahimik ka na, kaya nga friends pa rin tayo. eh naalala ko ginawa mo ngang apple yung lemon wedges nung party ko samantalang sobrang asim nun. dun ka nga nalasing eh.
nakarating na ko sa mrt nung parang unti-unting nagsisink in sa kin yung mensaheng napatay ka earlier that day. nakausap ko sa phone si best na close din sa yo. umiiyak sya. maluha-luha lang ako pero dahil di ko keri yung umiiyak sa pampublikong lugar at gumawa ng eksena pinigilan ko na lang. may katagalan dumating yung tren. so binigyan nya ko ng oras para isipin ka. nung mga nakaraang araw, madalas kitang maalala for no reason at all. naglalakad ako from office to rob nung maalala ko yung comment mo sa buhok ko a few years back. tapos natignan ko yung isa mong album sa fb, sabi ko di ko na kayo mamukhaan sa picture ni roy. di ko na madistinguish ang pinagkaiba nyo. nun ko naisip na kailangan ata kitang kumustahin. pero dahil busy lagi, di ko nagawa. laging bukas na nga lang, may OT pa mamaya. eh di ko na pala magagawa yun uli ever.
huling nagkausap tayo nun sa text bago yung 25th bday mo. naginvite ka kasi sa party mo. kaso di ako nakarating. una dahil may pasok ako; pangalawa dahil bday din yun ng kakambal mo, eh pinagtataguan ko nga kasi sya dahil tuwing makikita nya na lang ako, pacute sya ng pacute na parang di naman normal. we practically grew up together kaya nawirduhan ako sa inyong dalawa nung bigla na lang kayo nagtangkang manligaw. wala akong ibang nasabihan nung attempt nyo (in different ways, at different times) maliban sa mga sobrang close ko lang na kailangan kong paliwanag kung bakit ako absent sa mga meet-ups.
narealize ko nung moment na yun while waiting for the train, dami ko palang mga kaibigang di nakakausap o nakukumusta man lang. so i sent them all a text message while waiting for the train. it goes something like:
"guys, i lost a friend today. He was killed in a bank robbery with 2 others. Known him since high school. I've been meaning to ask him how he was but i never got around doing it. Life is indeed very short and uncertain. Made me realize that we shouldn't be putting off important thing just because of small ones. So i just wanted to ask kumusta kayo?" i got a lot of replies. most of them extending condolences. minsan pala kahit di mo na nakakausap madalas yung mga kaibigan mo, pag nagdrama ka ng kaunti, bilis nila magreact. natuwa naman ako dun.
pagdating ko nun sa office, may sira yung system so ang ending, napauwi na lang ako. sabi nga ni jyse,"the system is unstable. it's going up and down, so you're going home." tawanan na lang kami. kasabay ko pag-uwi yung officemate kong si glenn, yung minamatchmake ko dun sa isa ko pang officemate na si tiny. tahimik yun pero dahil sa daldal ko, nagsasalita naman sya so wala ka muna sa isip ko. nung makauwi ako, di pa rin ako naiiyak eh, siguro kasi di ko pa alam kung maniniwala ako sa balita. sabi ko, siguro pag nakita na kita sa kabaong, maiiyak na lang ako.
pagdating ko sa bahay bago matulog at magpatay ng ilaw, sabi ko utang na loob, wag ka papakita sa kin, ray. ayoko ng mga horror movie na eksena kaya wag mo talagang susubukan. even though di ka nagpakita, nalaman kong nakaimprint naman pala sa utak ko yung ngisi mo saka ung boses mo, yun kasi yung pinakapinagkaiba nyo ng kambal mo.
the next day, i had a family event to attend. binyag nung anak ng pinsan ko at kinuha nya kong ninang. out of town yung binyag, i.e. fairview. pero dahil malakas ka sa kin, umuwi na lang ako ng maaga para makarating ako sa burol mo. galing mo ha. ang lakas mo sa ming lahat. yung mga taong matagal na di nagkikita-kita napagtagpo mo dahil sa pagkamatay mo. erika was there. to hell with tomorrow's issue of Phil Daily Inquirer, umabsent sa trabaho just to see you. maski ako who wouldn't see you on a normal circumstance andun. sabi ko nga kay best, kung di ka namatay, kung birthday halimbawa ang okasyon, malamang wala ako dun.
syempre, iwas na iwas pa rin ako sa kakambal mo. eh pagdating ko pa lang nagpapansin na naman sa kin. may nalalaman pang halika introduce kita sa friends ko. parang tanga di ba. samantalang yung iba nating classmate di naman nya pinakilala. ayun ganun pa rin naman sya. joke pa rin ng joke. siguro napagod na kakaiyak. nung una nga ayoko pang lumapit sa kabaong mo, pero tinakot lang kami ni roy kaya napasilip na kami ni best at ni abby. remember abby? matagal nang di nagpapakita yan sa tin. every 2 years nga lang kami magkita nyan maski na super close kami. imagine, napapunta mo sya nung araw na yun.
looking at you inside that casket was surreal. you did gain weight since i last saw you, but it was really like looking at another person in there, a stranger that i have seen for the first time. si best kinilabutan. umalis kami agad pagkasilip namin sa yo. ako naman i was half expecting that it was all a dream, that anytime you would walk up to us and tell us sino ba yang sinisilip nyo dyan. not that i wanted to see a ghost, but i wanted to see you alive.
bigat kasi sa pakiramdam. nabawasan na naman tayo. 5 years ago, it was quesan. ngayon ikaw naman. nagjojoke na nga lang yung mga classmate natin para wag nang mag-iyakan. well, actually di naman ako naiiyak. i know i feel bad about you dying all of a sudden, pero di ako makaiyak nung luhaan talaga. as in yung level na hagulgo, as in best actress level.
nagkwentuhan kami nun. narinig mo ba? ingay namin dun eh. it's surprising how much memories of you i keep. ikaw nga pala yung nagturo sa kin magdrawing ng matinong cube gamit lang ang gilid ng id card, ikaw nga rin pala yung first dance ko sa junior prom, saka binigay mo rin pala sa kin yung cap mo para sa CAT, which i lost sa Pangasinan some 5 years ago, sorry ha. Naiwan ko sa bus.
Saka napaiyak mo na rin ako noon. Di mo alam yun no. Eh kasi di ko naman sinabi sa yo, kasi di ko alam kung paano maliban pa sa hindi ko maintindihan. Eh ang dami ko ngang naisulat dahil dyan. Ikaw ang original na may-ari nung brown eyes sa sinulat kong short story. Yung nasa blog ko, medyo edited/revised na yun eh, kasi parang masyado syang pambata kaya binago ko yung ibang details. I wrote a novelette about you also. Nawala ko na nga lang yung kopya or baka andun lang sa bahay kasama ng journal ko nung high school na maraming entry tungkol sa yo. The novelette was about high school friends meeting after a long time. I never told anybody na ikaw si Carl or Carlos (di ko na maalala yung pangalan basta sounds like), yung main protagonist na civil engineer. eh kasi gusto mong maging engineer nun eh. ewan ko nga sa yo kung paano ka napunta sa bangko na magiging dahilan pala kung bakit maaga mo kaming iiwan. yun nga palang HR dun dati, si raini, college friend ko yun. naalala ka nya. nagulat din daw sya sa balita. malakas daw loob mo eh na required talaga sa trabahong yan.
ayan, natatawa tuloy ako sa sarili ko. dami kong kacornyhan. later on ko narealize, yun pala ang tinatawag na puppy love. ewan ko. basta close kasi tayo nun, ikaw, ako, si best, si roy, si hans, si abby. lahat na lang ng project groupmates tayo. kuya nga tawag namin sa yo ni best eh. and then one day, something felt strange. maybe it was the combat boots or the beret, saka yung init ng araw. saka yung singkit mong mata. all the right elements, the right lighting, ganun. and then it was all confusion and worry. ayan natatawa na naman ako. drama ko na naman.
well, hindi mo alam yun. di ko nga kasi sinabi. mabuti na lang kasi walang friction. we remained friends. actually nobody knew about it. nasabi ko kay best graduate na ata ako ng college.dami ko lang drama eh. i lived with the pain until it went away. pero alam mo, natuwa naman ako nung pinadalhan mo ko ng christmas card kahit november pa lang nung first christmas after natin grumaduate from high school. siguro nga namiss mo ko nun no. kasi wala akong nilagay na phone number dun sa lahat ng slumbook na sinagutan natin bago grumaduate at address lang din yung nasa yearbook. yun lang siguro ang naisip mong paraan para makumusta ako. di ko nga alam kung san na ba napunta yun eh. talagang musical pa yung card na yun pero malamang wala na syang baterya sa panahong ito. walong taon na kasi ang lumipas mula nun.kung alam mo lang nanginginig ako nung tinawagan kita, nilagay mo kasi yung phone number nyo dun sa card mo at talagang may instructions ka pang tawagan kita. eh madali akong kausap, kaya tumawag nga ko.after naman nun uso na ang friendster eh at marami na ring cellphone, so di na rin masyadong kailangan ng telepono.
oo nga pala, naalala mo yung dark knight. niyaya kitang manood nun dati eh. kaso lang sadyang mainipin ako at late ka na dumating, kaya sabi ko na lang sa yo umuwi na ko kahit andun na ko sa loob ng sinehan. sama lang ng ugali ko no, pero di ka naman nagalit, kasi alam mong late na late ka na. nakalahati ko na kasi yung movie. nung minsan ngang magkita tayo sabi mo sa kin, may utang akong movie sa yo. sabi ko wala na pinanood ko na iba kasama ko. and that was the guy i dated. unfortunately, di ko na mababayaran yang utang na yan.
pag-uwi ko galing sa lamay mo, dun ako napaiyak ng saglit. mag-isa kasi ako sa jeep tapos tumutugtog lang yung can't cry hard enough sa utak ko. same song that made me cry when quesan died. arte ko talaga eh, may musical scoring pa. pero saglit lang, kasi dumami na yung tao sa jeep, so ayoko na umiyak. di naman nila ko bibigyan ng talent fee kahit manood sila sa pagdadrama ko. di ko rin naman gusto ng best actress award that time.
up to now, it still feels weird thinking that you're gone. last saturday, huling lamay mo. di ako nakapunta because it was a matter of life and death. party o lamay? i chose party, ano pa. but the reality is i really still couldn't accept that you're gone. saka mag-iiyakan lang kami sa nercrological service mo, so sila na lang. mamamaga lang yung mata ko. enough na kaya yung lahat ng iniyak ko para sa yo nung 15 yrs old ako. masaya sa party kahit na ininjan ako ng batchmates ko. ayan nakilala ko na sa tunay na buhay yung mga ka-twitter ko tapos nakipanood pa ko ng project runway dun kina red. di mo sila kilala malamang eh di nga tayo nakakapag-usap. sana man lang naikwento ko sila sa yo no.
di ko na maalala kung kelan ka nagsimulang magpakita ng interes sa kin. basta naalala ko na lang nagtatago na ko sa inyong magkapatid. that's the funniest thing ever. pareho kong classmate, kambal pa. actually, sali mo pa yung bestfriend ni roy na nameet nya nung college. ano nga pangalan nun, yung nasa singapore. ah, shanty. dapat feeling ko haba ng hair ko pero hindi, ang naging reaksyon ko, wag magpakita sa inyo. i'm just not used to that kind of attention coming from you.
eh nung high school nga sabi mo magpacrew cut ako. and yes, i remember kasalanan mo rin kung bakit mahaba ang kuko ko ngayon. it's a sign of rebellion. naalala mo yung CAT days, na dapat pudpod yung kuko. pagkagraduate ng high school, i always kept my nails long. ayan nga pag tinitignan ko ngayon, naaalala kita.
so ayun kunwari na lang i don't care about you. daig ko pa yung walang visa. tago na lang ako nang tago. pero alam mo ang bait ko nga sa yo, kasi ikaw hindi nakablock sa fb at nagtetext pa ko sa yo. sabagay mas mabait ka naman talaga kay roy. nakakaharass yun eh. parang manyak na di mo maintindihan. feeling gwapo na wala sa lugar, parang pinaparating nya sa kin it's my loss. itsura nya.
ilang beses ko ding nasabi, kung nanligaw ka sa kin when I was 18, i would have considered. eh kaso 21 na ko nun eh. 3 years kang late. ayoko pa naman ng nalelate. it was the time i was seeing someone. walang hiyang yun, pinaiyak lang naman ako. lakas ng loob magbago ng isip. actually madalas ko pa rin maalala yung sira ulong yun eh, pero alam mo nung namatay ka, bigla ko lang narealize, masyado ba kong napako dun sa kabiguan ko sa kanya na hindi ko na nakikita yung mga taong talagang nagpapahalaga sa kin. therefore, wag ko na syang isipin because it's totally crazy to think about someone who doesn't even care.
natanong ko rin ang sarili ko, what if i was meant to end up with you? ang sagot ko, AYAW! i'd rather be alone. i don't want to be related to roy. pag nagkataon brother in law ko sya? oh di ba ang gulo. sobrang complicated lang, kaya wag na lang. saka we've been friends a long time, we're better off this way. pero naisipan kong magkatuluyan na lang kayo ni best, tutal naman magkasundo kayo eh. hinahatid mo pa nga sya sa bahay nila di ba. wag mo dedeny, di naman ako galit. natuwa nga ako eh. at least, yung atensyon mo sa iba napupunta and it's a plus that you are both important to me.
balak ko talagang pumunta nung libing mo. dalaw lang ako sandali, since may lakad din ako nung sunday. wag magulo, busy ang social calendar ko. birthday nung inaaanak ko. matagal na kasing nakaplano eh. kaso nalate ako ng gising dahil di ko narinig yung alarm ko. dami pa ngang missed call ni best. so di na rin ako nakarating. umiyak daw siya dun sa tula ni hans para sa yo. lam mo si hans, okay yan. yan yung isa sa mga straight guy friends ko na pwede akong sumamang lumabas na kaming dalawa lang kasi harmless lang nya, di ako mag-aalalang baka magkagusto ako sa kanya o kaya baka matsismis kami. kahit lagi mong inaaalaska yun, mabait na tao yun.
di ko pa rin nga pala madalaw yung puntod mo, kasi busy pa rin ako eh. pero utang na loob uli, wag mo kong pupuntahan.it's been a week since malibing ka. yung shock ko about your death is fading into the background. i don't feel like crying anymore. pero every time na iniisip ko, wala ka na parang nagdududa pa rin yung utak ko kung totoo ba talaga yun o masamang panaginip lang naming lahat. oh well, i'll get used to it. see you later, so much later. wag mo guluhin si quesan dyan ha, busy pa sya dun sa ginagawa nyang program.saka wag mong hiritan lahat ng andyan nag libre. mahiya ka naman
written for Ray Tingco
January 7, 1986-October 29,2011
No comments:
Post a Comment